Friday, January 20, 2012

BARKADA

BARKADA

Galing tayo sa iba't-ibang sulok ng Pilipinas
Pero tayo'y nagtagpo dahil sa isang pagkakataon 
Ibat'iba man tayo ng ugali, tayo'y nagkakasundo parin

May OC na matinis ang boses, 
tahimik pero grabe kung humirit, 
mataba na may sariling mundo,
photographer na ke lalim lalim ang pag-iisip,
white lady na grabe ang buffering ng mga mensahe,
math genius na kalog, 
mahinhing mahilig sa matatamis,
joker na prangka , walang di aatrasan
at  kpop addict na nakakaloka ang tawa

Pag magkasama, ang mundo ay puno ng tawanan 
Mga jokes at kwentong tayo-tayo lang ang nagkakaintindihan
Mga halakhak na nagpapakita ng sigla at tunay na kasiyahan
Pag kapiling ang barkada,  tayo'y naging ating mga sarili
walang pakialam sa sasabihin ng iba
 
Ngunit hindi sa lahat ng oras ay puno ng ligaya
Sapagkat mayroon ding oras na may problema talaga
 Di nawawala ang di pagkakaintindihan, 
mga pagkaktaong ang pagkakaibigan ay sinusubukan
Mga alitang wari ay sisirain ang samahang binuo kay tagal
                       Pero ang barkada'y di nagpapatinag sapagkat alam ng bawat isa
                                    na andyan ang mga kaibigang laging maasahan

Tayo'y tunay na barkada, mga matalik na kaibigan
hanggang sa ang mga bukok ay pumuti na'y wala paring iwanan
peksman man mamatay man...








PS. Sorry kung ang pangit ng tagalog ko... pero sana maiiitindihan nyo.. :)
      For my college circle of friends :D
   







No comments:

Post a Comment