A friend of mind recommend to me to read Juan Ekis' works. Ang galing daw kasi nyang writer, kakaiba yung estilo ng pagsulat nya at angkop na angkop sa panahon ngayon. I now agree with her :)
(No Copy Rights Infrigmented, All Credits To Juan Ekis)
"It was fun while it lasted."
CAROUSEL- JUAN EKIS
MGA TAUHAN
X 19, lalaki. College student. 3rd year, economics student.
Y 18, babae. College student. 2nd year, humanities student.
TAGPO
Mula sa ministop ng pearldrive, paikot ng escriva drive, paliko sa may gold loop papuntang pearl drive hanggang makabalik sa ministop.
Nakaupo si X sa isang ledge sa labas ng ministop. Malalim ang iniisip niya. Biglang lalabas si Y na may dalang C2 na apple.
Y: Tara samahan mo akong maglakad.
Tatayo si X.
X: Hindi ako makapag-isip pag gumagalaw e.Y Hindi ako makapag-isip pag nakaupo lang tayo e.
Maglalakad sila.
X: Sa’n ba tayo pupunta?
Y: Ikaw dapat tinatanong ko niyan e.
X: I have no other explanation, okay? Hindi ko naman ginusto ‘yun e. Nangyari na lang.
Y: Pwede ba ‘yun?
X: Hindi ko alam. I’m just being honest.
Y: Ano’ng gusto mong mangyari?
Mag-iisip si X.
X: Gusto kong maging adobo.
Y: What?
X: Parang pagluluto. Tayo, may kilawin na tayo.Y Ano ‘yung kilawin?
X: Hindi mo alam yung kilawin?
Y: Sorry, sa Jakarta ako lumaki. Kung may kilawin man dun, hindi kami kumakain ng ganun.
X: Yun yung raw meat na binabad sa suka.
Y: Yuck.
X: Masarap ‘yon, hindi mo pa sinusubukan.
Y: Raw meat? Ewww.
X: Fine. Regardless. Kunwari, gusto mo ng kilawin.
Y: Ayoko nga e.
X: Kunwari nga.
Y: Fine.
X: Fine. So we have meat soaked in vinegar. Masarap na yung kilawin natin. Agree?Y Ano’ng ibig mong sabihin ng masarap?
X: Sabihin na lang nating hindi siya lasang hilaw na karne.
Y: Sige. Masarap na ang kilawin natin.
X: And you like it the way it is.
Y :Yes.
X: Pero what if we try adobo instead?
Y: O akala ko ba masarap na yung kilawin natin? Bakit pa magaadobo?
X: Dahil mas masarap ang adobo.
Y: What if ayaw ko ng adobo?
X: Natikman mo na ba yung adobo?
Y: Okay na ako sa kilawin.
X: Akala ko ba di ka kumakain ng raw meat?Y It’s a metaphor!
X: Alam ko. Ginagago lang kita.
Titignan ni Y si X nang masama.
X: Biro lang. (Pause) Ayaw mo bang matikman ang adobo?
Y: Pa’no ka sure na masarap ang adobo?
X: Kasi, ang adobo, niluto sa apoy. Pinakuluan sa suka.
Y: Pa’no ka sure na mas masarap siya sa kilawin?
X: Mas marami siyang ingredients?
Y: E pa’no kung wala pa tayo nung ibang ingredients?
X: Hindi naman tayo nagmamadali e. Gutom ka na ba?
Y: (Matatawa) Gago. So what are you trying to say?
X: I’m asking for a bit of suka from our kilawin and try to make adobo.Y What if hindi ako nasarapan sa adobo?
X: Hindi mo pa nga natitikman e. Saka lahat ng masarap kailangan ng panahon para lutuin. Like everything that’s good in this world, kailangan ng time.
Y: Okay naman yung kilawin a? Bago maluto sa suka ‘yon, I’m sure you’ll have to soak it in vinegar for a long time.
X: Ang adobo, naluto sa apoy.
Y: Pa’no nga kung hindi masarap?
X: We’ll always have the kilawin. No harm done. We can always eat kilawin.
Y: Ayoko nga ng kilawin.
X: It’s a metaphor!
Y: Alam ko. Ginagago lang kita.
Tahimik.
Y: What if I want to make adobo with someone else?Mahabang katahimikan.
X: Is that it?
Y: Look, hindi ganun kasimple, okay? Hindi lahat ng bagay madaling nguyain at lunukin.
X: Kaya nga pakukuluan sa suka e…
Y: (Ngingiti) It doesn’t work that way you know.
X: Ano’ng ibig mong sabihin?
Y: Kahit ano’ng sabihin mo, kung hindi natin nagustuhan yung adobo, we cannot have the kilawin we used to have.
X: Bakit?
Y: Bawas na ang suka at meat.
X: Inevitable ‘yon! Pagkain ‘yon e. Mababawasan talaga kilawin man o adobo pag kinain na natin.
Y: Namimilosopo ka.
X: Ikaw rin e.Y Alam mo paikot-ikot lang itong pinag-uusapan natin.
Tahimik.
Y: Fine. So ano’ng gusto mong gawin ko?
X: I’m just asking you to give me the chance to cook adobo.
Y: Di ba sinabi ko nang ayokong pag-usapan ang chances?
X: Alam mo magkaiba tayo ng definition ng chance e. Ano ba ang definition mo ng chance?
Y: Hope.
X: There. Diyan tayo nagkakaiba.
Y: Ano ba ang definition mo ng chance?
X: Probability.
Y: Okay…
X: Example: what are the chances na may alien spacecraft na magland dito ngayon sa ortigas?Y What’s your point?
X: Sagutin mo muna ako. Ano ang probability?
Y: Wala. Zero. Imposibleng mangyari.
X: Hindi ‘yon imposible. Maliit lang ang probability. Hindi naman natin alam ang lahat ng pwedeng mangyari sa universe di ba?
Y: Fine.
X: So ano ang probability?
Y: Maliit?
X: Would you say na mayroong 0.000000001% chance na mangyari ‘yon?
Sandaling katahimikan.
Y: Fine. Yes.
X: Pareho ba yun ng hope? Pareho ba ‘yun pag sinabi mong may hope bang magland ang isang UFO dito sa Ortigas? Y (Pause) Hindi.
X: Kitams? But the probability exists. The chance exists. Ano’ng probability na maulit itong exact same
conversation that we’re having at the exact same place with the exact same circumstances mamaya?
Y: Hindi mangyayari ‘yon.
X: Pwede bang sakyan mo muna ang line of reasoning ko kahit sandali?
Y: Okay, okay. 0.000001%.
X: Am I hoping na maulit ang exact conversation natin dito with the exact circumstances later on? Hindi.
Y: What’s your point?
X: Magkaiba ang hope sa probability. Probability ang chance, hindi hope.
Y: So pag sinabi mong “give me a chance” ang ibig sabihin no’n give me a probability?
X: Sakto!
Y: People don’t say that! Pag sinasabi nila ‘yon, ang ibig nilang sabihin, give me hope!X Not necessarily.
Y: So your asking me to give you a probability of cooking adobo?
X: No. Hinihingi ko lang, mag-agree ka sa akin that probabilities exist.
Y: The probability of what?
X: Na masarap ang adobong maluluto natin?
Mahabang katahimikan. Makakarating sila sa ministop kung saan sila nagmula.
Y: I don’t know.
Tahimik.
X: Ano bang kinakatakot mo?
Y: I’ve had bad experience with adobo.
X: I know…kaya nga I’m asking you with the basis of the kilawin we already have, to give me the chance to cook adobo. Masarap na ang kilawin natin di ba?Y Oo.
X: I just want you to acknowledge that the probability exists. Yun lang.
Mahabang katahimikan.
Y: Okay fine. There is that 0.00000000001% chance it might happen. Okay? Narinig mo na ang gusto mo. Now let’s stop talking about it.
Tahimik. Magugulat si X. Ngingiti siya.
X: Talaga?
Y: Tama na. Okay na. Huwag ka nang mangulit.
X: Okay.
Malaki ang ngiti sa mukha ni X. Hindi siya makapaniwala.
Y: Bili lang ako ng drink.
Papasok si Y sa ministop. Uupo si X sa ledge sa labas ng ministop. Malalim ang iniisip niya.Biglang lalabas si Y na may dalang C2 na apple.
Y: Tara samahan mo akong maglakad.
Tatayo si X.
X: Hindi ako makapag-isip pag gumagalaw e.
Y: Hindi ako makapag-isip pag nakaupo lang tayo e.
Maglalakad sila.
X: Sa’n ba tayo pupunta?
Y: Ikaw dapat tinatanong ko niyan e.
Lalakad sila palayo ng ministop.
DILIM
Ano mamasabi nyo sa gawa nya? Cool diba? angkop na angkop sa panahon natin ngayon...
No comments:
Post a Comment